A Definition of Success Rooted in Giving
“All of us have different ways or aspects to say na matagumpay tayo sa buhay—ang iba dahil sa mga material na bagay na meron sila ngayon, while others find it in a peaceful and happy life.”
For Mary Joy, success is not measured by wealth or status but by the lives she touches:“Ang alam ko lang, yung tagumpay na meron ako ngayon ay marami akong taong kahit papaano, sa maliit na paraan, ay natutulungan at napapasaya.”
Ito ang kanyang pinanghahawakan—ang makapagbigay ng ngiti, makapagbahagi ng biyaya, at makadagdag sa buhay ng iba, kahit sa simpleng paraan:
“Para sa akin, iyon ang tagumpay ko.”
Humble Beginnings and a Fire Within
Hindi naging madali ang kanyang pagkabata. Siya ay pang-apat sa walong magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang simpleng housewife at ang kanyang ama ay porman.
“Nararanasan ko noong bata ako na ang ulam ko ay kape na sinasabaw ko sa mainit na kanin… pumapasok ako na walang baon.”
Mahalaga ang papel ng kanyang lolo at lola, sa kung paano niya nadama ang kahalagahan ng edukasyon. Isang partikular na alaala ang tumatak sa kanya. Noong siya ay pitong taong gulang, iniuwi niya ang kanyang Top 10 award sa elementary:
“Dinala ko sa bahay ng lolo at lola ko ang program… andun yung name ko.”
Ngunit sa halip na purihin, sinabi ng kanyang auntie:
“Top ka nga, top ka naman sa huli.”
Sa halip na panghinaan ng loob, ginamit niya ito bilang hamon:
“Tinanggap ko iyon bilang challenge… mula sa Top 10, nagtapos ako ng elementary bilang 2nd honorable mention.”
The Struggles That Shaped Her
Pagdating ng high school, nagbago ang pananaw niya nang marinig niyang maaaring hindi siya makapag-college.
“Sa isip ko noon, kung hindi rin naman ako makakapag-college, bakit pa ako mag-aaral nang mabuti?”
Dahil dito, naging rebelde siya. Gayunpaman, natapos niya ang high school sa Section 7 sa loob ng 35 sections.
Upang makatulong, nagtrabaho siya bilang tagabalot ng candy o macapuno sa kanilang barangay. Madalas siyang magdamag para kumita ng 45 hanggang 100 pesos lamang.
“Akala ko noon, hanggang doon na lang ang buhay ko.”
Ngunit nagbago ang lahat dahil sa simpleng tanong ng kanyang kapatid na si Dico:
“Gusto mo bang mag-aral?”
Doon nagsimula ang pagbabago. Sa tulong ng kanyang kapatid—na nagsakripisyo mula sa pagiging bus conductor hanggang sa pagiging factory worker sa Korea—nakapagpatuloy siya sa pag-aaral sa pamamagitan ng CHED scholarship.
“Naging inspirasyon ko ang sakripisyo niya… pati yung mga luha ng nanay ko tuwing hihiram ng pera kapag delayed ang padala ng kapatid ko at kailangan ko mag-exam.”
Sila ang naging dahilan para mangarap siya at baguhin ang buhay ng kanilang pamilya.
Setbacks, Redirection, and Faith
Isa sa pinakamalaking hamon niya ay ang hindi pagpasa sa unang take ng nursing board exam.
“Akala ko noon, iyon na iyon… na wala na akong mararating sa buhay.”
Ngunit natutunan niya:
“Hindi nasusukat ang tagumpay kung sa unang take mo ba pasado ka agad.”
Nang siya ay pumasa, panibagong hamon ang kanyang hinarap—ang kakulangan ng oportunidad para sa mga bagong graduate:
“Over supply ang nurses… to the point na kailangan pang magbayad para lang magkaroon ng experience.”
Ang kanyang unang trabaho ay hindi bilang nurse kundi bilang cashier.
“Yes, cashier—not a nurse.”
Ngunit tinanggap niya ito:
“Sometimes, it’s okay to take other routes.”
A Leap of Faith Abroad
Pagkatapos ng apat na taon bilang private nurse ng isang kilalang personalidad sa Pilipinas (ang auntie ni Ms. Maricel Laxa), nagpasya siyang magtrabaho sa ibang bansa.
Sa kabila ng mga alok mula sa Oman at Dubai, pinili niya ang Bahrain:
“Hiling ko sa Diyos, kung saan mo ako gusto dalhin, doon ako pupunta.”
Baon ang pangarap at lakas ng loob, nagpunta siya sa bansang wala siyang kakilala.
“Hindi naging madali ang unang anim na buwan ko bilang OFW… pero hindi ako sumuko.”
Lessons That Shaped Her Life
Isa sa pinakamahalagang aral:
“Matuto tayong makinig sa mga nakatatanda, lalo na sa ating mga magulang… dahil alam nila kung ano ang makakabuti sa atin.”
At higit sa lahat:
“Lagi nating piliin maging mabuting tao. Walang bayad, pero laging may sukli.”
A Heart That Measures Success in Impact
Para kay Mary Joy, ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa materyal na bagay:
“Tagumpay ko ang marinig ang taos-pusong pasasalamat… at makita ang mga ngiti na hindi mababayaran ng kahit anong halaga.”
Naniniwala siya na may dahilan ang lahat ng nangyayari:
“I always believe everything happens for a reason.”
Turning Points and Personal Growth
Isang desisyon ang tunay na nagpabago ng kanyang buhay:
“Yung pag-alis ko ng bansa… Bahrain ang bumago ng takbo ng buhay ko at ng pamilya ko.”
Ngunit ang pinakamahalagang investment na kanyang ginawa ay sa sarili:
“The biggest investment I did for myself is choosing myself.”
Matapos ang mahabang panahon ng pagiging selfless, natutunan niyang mahalin ang sarili:
“Masarap magbigay kapag ikaw mismo ay umaapaw na sa biyaya.”
Balancing Life, Work, and Purpose
Hindi niya ito magagawa mag-isa:
“I can’t do it alone.”
Sa tulong ng kanyang partner at mga mahal sa buhay, napapanatili niya ang balanse sa trabaho, negosyo, at personal na buhay.
Sa kaniyang tagumpay, nakapaglakbay na siya sa 35 countries, at bawat isa ay may natutunan na aral:
“Bawat bansa ay may itinuturo… at lahat ng iyon ay dala ko sa araw-araw kong pamumuhay.”
The People Behind Her Success
Ang pamilya ang kanyang unang inspirasyon:
“Sila ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.”
Natupad niya ang pangarap ng kanyang ina—mula sa simpleng buhay sa Barangay Paliwasan, San Miguel, Bulacan hanggang sa pag-tatravel na sa ibat't ibang bansa.
Ang kanyang mentor, ang kanyang boss, ang nagturo sa kanya ng diskarte sa buhay. Ang kanyang partner ang nagturo sa kanya kung paano pahalagahan ang sarili at planuhin ang kinabukasan.
A Philosophy Anchored in Kindness
Ang kanyang paniniwala ay simple:
“Mabuting tao, magandang buhay.”
“Walang bayad maging mabuti, pero laging may sukli.”
A Legacy of Joy
Tinawag siyang “Ligaya” habang siya ay nasa abroad—at buong puso niya itong niyakap.
Tuwing kaarawan niya, sa halip na ipagdiwang ang sarili, nagbibigay siya sa mga batang nangangailangan:
“I throw a birthday party not for myself, but for children in need.”
Ang kanyang motto:
“Tulong ko, ligaya mo.”
Message to the Next Generation
“Put God in the center of everything.”
Matuto tayong makinig, maging bukas sa pagbabago, at higit sa lahat:
“Laging piliin maging mabuting tao.”
A Life That Inspires Others to Give
Ang kanyang tagumpay ay nasusukat sa inspirasyong naibibigay niya sa iba:
“Natutuwa ako na may nai-inspire ako… na mas marami na ang gustong magbahagi ng kanilang blessings.”
Para sa kanya, ang kabutihan ay dapat dumami at maipasa sa iba.
Sa huli, ang kwento ni Mary Joy Palomo ay hindi lamang tungkol sa tagumpay—ito ay tungkol sa layunin.
Isang buhay na hinubog ng pagsubok, pinatibay ng pananampalataya, at pinanday ng kabutihan.
At sa bawat buhay na kanyang naaabot, may naiiwan siyang hindi matutumbasan—
Ligaya.
Post a Comment